Posted
January 18, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito ang datus na ibinagay ng Department of Tourism (DOT) Region VI,
kung saan naging malaking bahagi umano rito ang pagdami ng mga turista sa
Boracay.
Maliban dito, nakasaad din base sa ipinadalang report ng DOT na
kaakibat ng pagyabong ng turismo sa probinsya ang pagsidatingan ng mga world
class na cruise ship na dumaong sa isla ng Boracay.
Kaugnay nito, umapela ang nasabing ahensya ng suporta o kooperasyon
magmula sa iba’t-ibang mga sector para mas mabigyan pa ng maayos na serbisyo
ang mga bumibisita dito.
Nabatid na dahil sa maunlad na turismo sa Aklan ay itinuturing ngayon
ang probinsya bilang isa sa mga tinaguriang “billionaire province” sa bansa.
Malaki din umano ang naging tulong nito sa paglago ng ekonomiya sa
Pilipinas.
Samantala, nabatid na sinabi ng Aklan Provincial Tourism Office na nasa
1.7 na tourist arrival ngayon ang kanilang target na maabot.
No comments:
Post a Comment