Posted January 20, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Nakatakdang magharap sa isang pagpupulong ang mga
Security Agencies at Operators sa Boracay at SB Malay.
Pangungunahan mismo ni Committee Chairman on Laws,
Rules and Ordinances SB Member Rowen Aguirre ang nasabing pagpupulong na
gaganapin sa SB Session Hall.
Bagama’t hindi na muna idinetalye, sinabi ni
Aguiree sa kanyang text message na kaugnay sa regulasyon ng mga security agencies
at operators ang pagpapatawag sa kanila ng SB Malay.
Magugunitang ikinadismaya ni PSupt. Condrado
Carganillo ng SAGU o Security Agency ang mga problemang kinasangkutan ng mga
security guard sa isla kung kaya’t sinabi nitong dapat dumaan sa konseho ng
Malay ang pagpasok ng mga security agency sa Boracay.
Samantala, nabatid na may humigit-kumulang 40
security agencies ang nag-ooperate ngayon sa isla kung saan ilan dito ang ilang
beses nang nasangkot sa madugong land dispute.
No comments:
Post a Comment