Posted January 20, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Todo na ngayon ang paghahanda ng Lokal na
pamahalaan ng Ibajay Aklan para sa kanilang Ati-Atihan Festival sa darating na
ika-25 ng Enero.
Ayon kay Aireen Alag ng Ibajay Mayor’s Office, ngayon pa lamang aynagkakaroon na sila ng Municipal Day na lalahokan ng lahat ng Baranggay sa Ibajay.
Ayon kay Aireen Alag ng Ibajay Mayor’s Office, ngayon pa lamang aynagkakaroon na sila ng Municipal Day na lalahokan ng lahat ng Baranggay sa Ibajay.
Aniya, sa pagsapit ng Linggo ay isang misa ang
gaganapin sa Ibajay Church na inaasahang dadagsain ng mga deboto ni Sr. Sto
Niño.
Matapos nito ay magkakaroon ng parada ang mga
tribong kalahok mula sa ibat-ibang baranggay ng nasabing bayan bago ang mass
presentation sa Plaza.
Matatandaang nito lamang nakaraang linggo ay
nagtapos ang mahabang selebrasyon ng Sto. Niño Ati-Atihan Festival sa bayan
Kalibo na dinaluhan ng libo-libong katao at naidaos ng matagumpay.
Samantala, apat na bayan sa Aklan ang nagdiriwang
ng Ati-Atihan Festival sa probinsya ng Aklan na kinabibilangan ng Kalibo,
Ibajay, Makato at Altavas.
No comments:
Post a Comment