YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, January 22, 2015

Tattoo Artist, kalaboso sa buy bust operation; 10 sachet ng sabu at 3 uri ng baril, nasabat

Posted January 22, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Arestado sa isinagawang buy bust operation kaninang madaling araw sa So. Manggayad Manoc-Manoc Boracay ang isang tattoo artist.

Sa pinagsanib pwersa ng Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (PAIDSOTG) at BTAC PNP, nadakip ang suspek na si Sandy Dela Cruz y Pagunsan, 36 anyos ng Alijis, Bacolod City, Negros Occidental.

Ayon sa report ng mga pulis, nasabat mula sa suspek ang nasa sampung sachet ng shabu at tatlong uri ng baril na tinukoy na isang caliber 9mm, caliber 38, at caliber 22 magnum.

Nakuha din mula sa suspek ang mga bala ng baril, kung saan tatlo dito ang para sa caliber 22, sampu sa caliber magnum 22, 13 sa caliber 9mm at tatlo sa caliber 38.

Nasabat din ang dalawang cellphone na naglalaman ng mga text messages kaugnay ng illegal drug transactions, walong piraso ng 500 pesos at tatlong libong piso.

Samantala, nakatakda naman ngayong dalhin ang suspek sa bayan ng Kalibo upang isailalim sa inquest proceedings, kung saan nahaharap ito ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o An Act Instituting The Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002.

No comments:

Post a Comment