Posted January 23, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ito ang kinumpirma ni MPDO o Municipal Planning
Officer Alma Beliherdo kaugnay sa ipinapatupad nilang Municipal Ordinance
No.2000-131.
Ito ang ordinansang nag-uutos ng anim na metrong
road set back mula sa sentro o gitna ng kalsada ang anumang temporary o permanent
structures.
Tapos na rin umano kasi ang kanilang inventory sa
Barangay Manoc-manoc at may mga nagko-comply na rin sa Barangay Balabag.
Ayon pa kay Beliherdo, dapat i-commend ang mga
establisemyento na nag-self demolish o kusang giniba ang kanilang istraktura na
pasok sa ipinagbabawal ng ordinansa, habang paalala naman sa mga hindi pa
sumusunod sa kabila ng ilang taon na rin umano nilang paalala.
Samantala, magugunitang sinimulan ang road setback
clearing operation ng MPDO nitong nakaraang taon bilang bahagi umano ng
paghahanda sa nalalapit na APEC o Asia-Pacific Economic Cooperation sa isla.
No comments:
Post a Comment