YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, January 21, 2015

Pagsunod sa regulasyon sa pagpapatayo ng gusali sa Boracay, muling ipinaalala ng LGU Malay

Posted January 21, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Mahalaga ang pagsunod sa regulasyon ng pagpapatayo ng gusali sa Boracay.

Ito ang naging pananaw ni Boracay Island Chief Operations Officer Glenn SacapaƱo tungkol sa moratorium ng pagpapatayo ng mga gusali sa isla.

Bagama’t nilinaw ni SacapaƱo na wala nang moratorium ngayon, sinabi nito na mas makabubuting mag-apply at magtanong nalang sa zoning, engineering at BRTF o Boracay Redevelopment Task Force upang maliwanagan kung ano ang pwede at bawal ngayon.

Samantala, magugunitang nagpatupad ng building construction moratorium ang LGU Malay nitong nakaraang taon upang maimbentaryo ang mga gusali sa Boracay kasabay ng ginanap na contractors and builders briefing tungkol sa mga bagong panuntunan sa pagproseso ng mga building at occupancy permit sa isla.

No comments:

Post a Comment