Posted January 20, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Hinuli ang tatlong mga fish vendor sa isla ng
Boracay kagabi matapos na malamang nagtitinda na walang Mayor’s permit.
Ayon sa blotter report ng BTAC, sinita ng mga tanod
sa Balabag Boracay ang tatlo habang nagtitinda ng isda kagabi sa lugar.
Subalit napag-alaman na wala palang permit ang
tatlo, kung kaya’t kaagad kinumpiska ang mga paninda nito, pinagmulta at dinala
sa himpilan ng Boracay PNP.
No comments:
Post a Comment