Posted
January 24, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bagamat ilang taon ng mayroong fire dancing show sa isla
ng Boracay tila nababahala parin ngayon ang Bureau of Fire Protection Unit
(BFPU).
Ito ang ipinaabot ni BFP Boracay Chief Fire Inspector
Stephen Jardeleza matapos itong dumalo sa SB Session ng Malay nitong Martes.
Sinabi nito sa konseho ang kanyang pagkabahala sa
nasabing aktibidad na kung saan mayroon umanong nagsasagawa ng fire dancing show
sa isla na natatakpan ng parachute ang kanilang area.
Aniya, maaari umano itong mapagmulan ng sunog dahil sa
sarado ang lugar na kung saan ay kadalasang hinahagis ng mga fire dancers ang
kanilang hawak-hawak na fire Poi.
Samantala isa lamang ito sa ipinaabot ni Jardeleza sa
opisyales ng Malay kung saan ilang proyekto rin ang ibinida nito sa mga
konsehales.
Sa kabilang banda nais nitong magkaroon ng extension office
ang kanilang BFP Station sa mainland Malay para ng sa ganon ay matutukan din
nito ang fire code compliance at makatulong sa oras ng emergency sa nasabing
lugar.
No comments:
Post a Comment