YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, January 22, 2015

Pagbayad ng Tax at pagkuha ng Mayor’s permit sa Malay hahabaan

Posted January 22, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Hiling ngayon ng Office of the Mayor ng Malay na ma-extend ang pagbayad ng Tax at Mayors Permit simula nitong Enero 20 hanggang sa Pebrero 20, 2015.

Ito ay para mabigyang ng sapat na oras ang mga establiyementong magbabayad at kukuha ng permit lalo na sa isla ng Boracay.

Dahil sa urgent ang nasabing usapin agad naman itong inapbruhan ng Sangguniang Bayan ng Malay matapos itong mapag-usapan sa SB Session nitong Martes.

Sa kabilang banda nagpahayag naman ng opinyon si SB Member at Chairman ng Committee on Laws Rowen Aguirre na kung saan nais nitong bawasan ang ilang requirements sa pagkuha ng permit sa LGU Malay.

Hinalimbawa nito ang pagkuha ng brgy. clearance na siyang nagpapatagal sa mga aplikante dahil sa sobrang dami ng mga kumukuha.

Samantala, hindi naman nabanggit ni Aguirre kung anong mga requirements ang nais nitong bawasan para sa mga kukuha at mag-rerenew ng permit para sa taong 2015.

No comments:

Post a Comment