Posted January 24, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nakahanda na ang 500 thousand pesos na budget para
sa Kalibo International Airport (KIA) beautification program.
Kaugnay nito, sa ginanap na 3rd SP
Regular Session nitong Miyerkules, inaprobahan ng mataas na konseho sa
probinsya ang pagpasok ni Gov. Joeben Miraflores sa Memoradum of Agreement
kasama ang Department of Tourism (DOT) Region VI.
Nabatid na ang nasabing pondo ay para sa
pagpapaganda ng Kalibo International Airport papuntang Caticlan at ruta ng
Malay bilang bahagi ng preparasyon sa APEC Summit sa darating na Mayo ngayong
taon na gaganapin sa isla ng Boracay.
Samantala, napag-alaman na abala na rin ngayon ang
iba pang mga ahensya ng gobyerno sa probinsya na mas mapaganda pa ang kanilang serbisyo
lalo’t nalalapit na ang nasabing aktibidad.
Maliban dito, sinasanay na rin ang mga opisyal na
may malaking bahagi o kooperasyon sa gaganaping pagpupulong.
No comments:
Post a Comment