Posted January 20, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Borcay
Bigo ang mga otoridad na makapagtala ng zero incident sa
selebrasyon ng Kalibo Santo Niño Ati-Atihan Festival.
Nakapagtala parin kasi ng ilang kaso ng kaguluhan ang
Kalibo Police Station kasabay ng selebrasyon ng Ati-Aihan nitong araw ng Sabado
at Linggo.
Katunayan ilang grupo ng kalalakihan ang nagrambulan sa
isang parke sa Kalibo kung saan may mga itinayong pansamantalang bar sa lugar.
Kasabay nito mayroon ding mga naitalang away sa kalye ng
mga kalalakihang lasing na nagdulot naman ng takot sa ilang mga deboto at
nakikisaya sa pagdiriwang.
Bagamat mahigpit ang ipinatupad na seguridad ng Aklan
Police Provincial Office sa mga pangunahing lugar sa Kalibo hindi parin
naiwasan na magkaroon ng ilang insidente dito dahil sa siksikan ng tao at dala
na rin ng kalasingan.
Nabatid na halos hindi mahulugang karayom ang Pastrana
Park dahil sa sobrang dami ng mga tao na nakisaya sa Ati-Atihan festival.
Samantala, inaalam pa ngayon ng APPO kung mayroon pang
ibang insidente na may kaugnayan sa pagdiriwang ng Kalibo Santo Niño Ati-Atihan
Festival 2015.
No comments:
Post a Comment