YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, January 21, 2015

Lalaki na umano’y paulit-ulit na sinasaktan ng isang room attendant, nagreklamo sa BTAC

Posted January 21, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Inereklamo ng isang lalaki ang isang room attendant sa Boracay matapos na umano’y paulit-ulit na lamang siya nitong sinasaktan.

Ayon sa biktimang si “Henry” 23 anyos, kaninang umaga ay muli na naman umano itong sinampal ng nasabing room attendant na si “Archie”.

Anya, bandang alas nuebe kagabi habang nag-iinuman ito kasama ang kanyang mga ka-boardmates ay tinawag umano sya ng suspek at pinagsasabihan ng hindi maganda.

Subalit, hindi nya umano ito pinansin at sa halip ay patuloy na nakikipag-inuman.

Dahil dito, nagalit di umano ang room attendant at agad itong sinampal.

Sumbong pa ng biktima, paulit-ulit na lamang di umano syang sinasaktan ng suspek kaya minarapat na nitong isumbong sa mga pulis ang pangyayari.

Samantala, nakatakda naman ngayong magharap ang dalawa sa Barangay Justice System ng Manoc-Manoc Boracay.

No comments:

Post a Comment