YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, January 22, 2015

Brgy. Manoc-manoc ng Malay may pinakamalaking budget sa buong Aklan para sa 2015

Posted January 22, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Buong ipinagmalaki ni Manoc-manoc Brgy. Captain at Malay League President Abruam Sualog ang kanilang Annual budget para sa taong 2015.

Ito’y matapos na talakayin sa Sangguniang Bayan ng Malay kahapon ang resolusyon na nag-aaproba sa nasabing annual budget kung saan ito umano ang may pinakamalaking budget sa buong bayan ng Malay at probinsya ng Aklan ngayong 2015.

Nabatid na ang nasabing budget ay nagkakahalaga ng mahigit sa dalawamput dalawang milyong peso.

Ayon pa kay Sualog may ilang proyekto na rin silang itinakda sa kanilang brgy. para sa taong 2015 kung saan kabilang dito ang pagsasaayos ng kalsada at ang kanilang brgy. Hall kasama na ang ilang livelihood project.

Samantala, dahil sa patuloy na pagpapatayo ng mga negosyo sa nasabing brgy. patuloy din na lumalago ang kanilang income na nakakatulong sa pagpapaunlad ng kanilang komunidad.

No comments:

Post a Comment