YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, January 20, 2015

Black Beauty Boys muling nanalo sa limang pagkakataon sa Ati-Atihan festival 2015

Posted January 20, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo Credit to Aklan Forum
Ang grupong Black Beauty Boys mula sa Barangay Linabuan Norte ang muling itinanghal na kampeon sa Tribal Big category ng Ati-Atihan Festival’s street dancing competition.

Nakatanggap ito ng P150,000 grand prize na sinundan naman ng Maharlika na nakakuha ng P80,000 habang ang Pangawasan Tribe ang nanalo bilang third place na may premyong P50,000.

Bagamat hindi pinalad ang Tribu Tiis-Tiis ng Barangay New Buswang at D’Kamanggahan nakatanggap naman ang mga ito ng consolation prize na tig-P10,000.

Habang sa Tribal Small category kampeon dito ang grupong Kabog na may premyong P60,000 na sinundan naman ng Tribu Alibangbang bilang second place at may cash na P40,000 habang ang Tribu Bukid Tigayon ang nanalo bilang third place na nakatanggap naman ng P30,000.

Sa Modern Group category naman nanalo rito ang Scorpio 11-19 na kung saan ay limang taon na ring itinatanghal na kampeon na nakapag-uwi ng P50,000.

Second place naman dito ang Road Side na may P25,000 habang ang D’Emagine ang itinanghal na third place na may cash prize na P15,000.

Itinanghal ding champion sa Balik-Ati category ang Tribu Ilayanhon nga Inapo ni General Candido Iban na may premyong P50,000 habang ang Lilo-anong Ati na Mananggiti ang nanalo bilang second place na may P25,000.

Nabatid na 28 tribo ang mga sumali sa Ati-Atihan Festival 2015 na may kategoryang big group, Tribal Small category, Modern Group category at Balik-Ati category.

Kaugnay nito matagumpay namang nairaos ng Kalibo Santo NiƱo Ati-Atihan Festival Foundation Inc., Aklan Provincial Government at LGU Kalibo ang nasabing selebrasyon na dinayo naman ng daan-daang libong katao.

No comments:

Post a Comment