Posted January 22, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nagpapatuloy pa rin ngayon ang ginagawang Fire Code
Compliance Inspection ng Bureau of Fire Protection Unit (BFP) Boracay.
Ayon kay SFO2 Alfred Rome ng BFP Boracay, sa kabila
ng kanilang “busy schedules” dahil sa mga naka-pending na mga permits ng ilang
establisyemento sa isla.
Nakaalerto pa rin umano ang kanilang hanay upang siguraduhin
ang kaligtasan ng publiko lalo na ng mga turista.
Kaugnay nito, dinagdagan na rin umano ang mga
tauhan sa BFP Boracay bilang paghahanda na rin sa nalalapit na APEC Summit
ngayong taon.
Samantala, nabatid na nais malaman ng BFP Regional
Office VI kung nasusunod ba ang itinakdang fire code compliance of the
Philippines sa lahat ng mga establisyemento sa isla ng Boracay.
Kaya naman maging ang mga boardinghouses at mga
paupahang apartment sa Boracay ay inaasahang imomonitor din ng BFP para sa
kaligtasan ng lahat ng mga nakatira lalo na at dikit dikit na rin ang mga
building sa isla.
No comments:
Post a Comment