Posted January 23, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nilinaw ngayon ng Boracay Land Transport
Multi-Purpose Cooperative (BLTMPC) na pabor sila s E-Trike implementation sa
isla ng Boracay.
Subalit umaapela parin umano ang mga ito na sana ay
mabigyan sila ng magandang klase at may kalidad na uri ng nasabing sasakyan.
Ayon kay BLTMPC Operation Manager Enrique Gelito, pabor
sila sa nasabing programa subalit humihiling ang mga ito sa LGU Malay na solusyonan
ang problema sa operasyon dulot ng ilang depekto sa mga piyesa.
Samantala, magugunita naman na nagsagawa ng pulong
si Vice Mayor Wilbec Gelito kasama si Malay Admistrator Godefredo Sadiasa at ilang
SB Member nitong nakaraang buwan ng Disyembre sa Balabag Action Center upang marinig
ang hinaing ng mga nagrereklamong tricycle operators.
Samantala, Gerweiss at TOJO naman ang kasalukuyang
nagsusuplay ng E-Trike sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment