Posted January 20, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kaugnay nito, kaagad nagpa-blotter sa BTAC ang
isang babaeng Korean national matapos na malaman na isang sekyu pala ang kumuha
ng kanyang pera at gamit na nawala nitong ika-17 ng Enero, araw ng Sabado.
Ayon sa blotter report ng BTAC, ipina-record na
kagabi ng babaeng Korean national na si Hyeon Hye Lee ang sekyu ng resort
nitong tinutuluyan na kinilalang si “Raymond.”
Sumbong ng biktima, ipinatong niya ang kanyang
pouch sa mesa na naglalaman ng pera at mga I.D’s.
Subalit sa kanyang pagbalik ay bigla na lamang di
umano itong nawala.
Nang imbestigahan ng nasabing resort ay saka
nalaman na ang sekyu pala ang kumuha ng gamit nito.
Samantala, matapos malamang ang sekyu pala mismo ang
tumangay sa pera ng biktima ay hindi na ito mahagilap.
Patuloy naman ngayon na nagkakaroon ng follow-up
investigation ang mga pulis sa kaso.
No comments:
Post a Comment