Posted January 24, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Arestado ang isang lalaki matapos na maaresto ng mga
pulis sa kasong RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of
2004.
Ito ay inaresto sa pinagsamang pwersa ng CIDG Aklan sa
pangunguna ni SPO3 Alberto Sombilon ng Nabas Police Station at ng Boracay PNP
sa pangunguna naman ni PSI Fidel Gentallan sa bisa ng warrant of arrest.
Kinilala naman ang akusadong si Romel Manuel, 25-anyos
walang trabaho at residente ng Toledo, Nabas, Aklan.
Ang akusado ay binabaan ng kaso ng Judicial Region,
Regional Trial Court, Branch 1, Mambusao Capiz na nilabas noong Desyembre 18,
2014 ni Hon. Judge Daniel Antonio Gerardo S. Amular na at may piyansang P50,000
para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Nabatid na ang nasasing akusado ay naaresto ng mga pulis
kaninang alas-3 ng hapon sa Sitio. Tambisaan Brgy. Manocmanoc Boracay.
No comments:
Post a Comment