Posted January 22, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nagpatawag na ng pulong ang Sangguniang
Panlalawigan (SP) Aklan hinggil sa umano’y mga problema sa Kalibo International
Airport (KIA).
Ayon kay SP Secretary Odon Bandiola, kabilang sa
mga ipinatawag ng mataas na konseho sa probinsya ang Manager ng Civil Aviation
Authority (CAAP), KIA, at mga Land Transportation Groups.
Anya, ito ang mga pangunahing sektor na syang
makakatulong upang masolusyonan ang mga problema at mabigyan ng aksyon ang
reklamo ng mga pasahero sa nasabing paliparan.
Nabatid na ilan lamang sa mga reklamong nakarating
sa atensyon ng SP Aklan ang kakulangan ng CR, siksikan sa arrival at departure
area at sobra-sobrang paniningil ng pamasahe sa mga van.
Samantala, magugunita na nagpadala din ng sulat ang
Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) Boracay kay DOTC Secretary
Joseph Emilio “Jun” Abaya matapos mabahala sa sitwasyon ng Kalibo International
Airport.
Kaugnay nito, patuloy pa rin umanong pinag-aaralan
ng pamahalaang probinsyal ang problema sa nasabing paliparan.
No comments:
Post a Comment