YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, January 21, 2015

Babaeng Korean national, ninakawan ng 20 mil pesos

Posted January 21, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Humingi ng tulong sa Boracay PNP Station ang isang 23 anyos na babaeng Korean national matapos na umano’y ninakawan ng 20 mil pesos sa Boracay.

Sumbong ng turistang si Hyun Jung Ko, nangyari ang insidente bandang alas diyes kagabi habang naghahapunan ito kasama ang ilang kaibigan sa isang compound sa Barangay Balabag.

Inilagay umano nito pansamantala ang kanyang bag sa kanyang upuan, subalit isang waitress umano ang nagsabi sa kanya na ang kanyang bag ay nakita na sa ilalim ng misa malapit ng kinakainan nito.

Kaagad nitong sinuri ang kanyang bag at doon nalaman na nawawala na ang kanyang itim na wallet na naglalaman ng perang 20 mil pesos, scuba diving license at isang cannon camera.

Patuloy naman ngayon na iniimbestigahan ng mga pulis ang kaso, kung saan tatlong mga hindi nakilalang kalalakihan ang umano’y tumangay sa pera nito at mga gamit.

No comments:

Post a Comment