Posted September 2, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Wala umanong dapat ikabahala ang publiko sa tumagas
na krudo mula sa lumubog na bangka sa station 1 kaninang umaga.
Ito ang tiniyak ni Coastguard Boracay Sub-station
Commander Chief Petty Officer Arnel Sulla kasabay ng kanilang imbistigasyon sa
indisente.
Ayon kay Sulla, hindi naman makakaapekto sa
dalampasigan ang krudong tumagas dahil kusa lang itong mawawala kapag naarawan.
Samantala, pinayuhan na rin nito ang kapitan ng
bangka na hilahin ito mula sa dagat upang muling ayusin at inspeksyunin ng
MARINA bago muling gamitin.
Patuloy namang inaalam ng mga taga Philippine
Coastguard ang sanhi ng paglubog ng nasabing bangka.
No comments:
Post a Comment