Posted September 3, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ayon kay Holy Rosary Parish Boracay Team Moderator
Fr.Arnold Crisostomo, nagtataka ito kung bakit napakainspirado ng tao na sumali
sa ganitong gawain gayong may iba namang paraan kung paano makagawa ng
kabutihan sa kapwa.
Bakit nga naman kasi aniya hindi rin ito gawin para
sa mga kababayang nagugutom at sa kahirapan.
Bagama’t iginiit ni Crisostomo ang paninindigan ng
simbahan tungkol sa layunin ng ice bucket challenge na makalikom ng donasyon
para sa ALS o sakit na amyotrophic lateral sclerosis, nilinaw din nito na pabor
ang karamihan sa mga obispo sa bansa sa hakbang ng ice bucket challenge.
Samantala, napag-alamang naging laman ng sermon sa misa
ng HRP Boracay ang tungkol sa ice bucket challenge dahil sangkot umano sa
gagawing research para sa ALS ang stem cell therapy na mahigpit na tinututulan
ng Simbahang Katoliko.
No comments:
Post a Comment