Posted September 6, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Pinag-aaralan ngayon ng Sangguniang Panlalawigan
(SP) Aklan ang magiging posisyon ng gobyerno sa hiling na ipagpaliban muna ang
pagpapatupad ng 2015 General Revision.
Ito’y kaugnay sa ipinaabot na resolusyon ng bayan
ng Kalibo at New Washington na e-defer o ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng Provincial
Tax Ordinance No. 001, S., 2014.
Ang nasabing ordinansa na ipinasa ng SP Aklan at Provincial
Assessor’s Office ay naglalayong itaas ang bayarin ng buwis sa mga real
properties na nahahanay sa Class A na munisipalidad sa 135 percent.
Kaugnay nito, isang rally ang napag-alamang
nakatakda sa probinsya ng Aklan ngayong Setyembre.
Katwiran kasi ng mga real property owners ay hindi
pa ang mga ito masyadong nakakabawi sa kanilang negosyo matapos na salantain ng
bagyong Yolanda.
Dagdag pa rito, ipinaabot din ng mga grupong
salungat sa ipinasang ordinansa na “Excessive, unjust, unconscionable and
confiscatory in nature” ang pagtataas ng 135 percent sa tax.
Samantala, iginiit naman ng SP Aklan sa isinagawang
committee hearing kamakailan na sinunod lamang ng mga ito ang tamang paraan na
iniaatas ng Section 219 ng Local Government Code ng Republic Act No. 7160.
No comments:
Post a Comment