Posted September 5, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Nanawagan ngayon ng pakiisa ang Holy Rosary Parish (HRP) Boracay para
sa darating na APEC 2015.
Ayon kay Holy Rosary Parish Boracay Team Moderator Fr. Arnold
Crisostomo, hindi lamang mga pinuno mula sa iba’t-ibang bansang kasapi ng Asia Pacific Economic Conference (APEC) ang darating sa isla kungdi maging mga
negosyante na maaaring makatulong sa bansa.
Kaya’t sinabi pa ni Crisostomo na dapat ayusin ang isla sa pamamagitan
ng pagsisimula sa sarili at sa paligid upang makita ng mga bisita na malinis at
hindi lamang maganda ang Boracay kungdi may pagkakaisa.
Samantala, nanawagan din si Fr. Nonoy Crisostomo na makiisa ang lahat
sa pamahalaan para sa ikakatagumpay ng APEC 2015 sa isla.
Nabatid na puspusang paghahanda na rin ang ginawa ngayon maging ng LGU
Malay upang maayos ang samu’t-saring problema sa isla bago pa man ganapin ang
APEC Summit.
No comments:
Post a Comment