Posted September 5, 2014
Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay
May program of works na ang Municipal Engineering
Office ng lokal na pamahalaan ng Malay para tugunan ang matagal ng problema ng
pagbaha sa loob ng Boracay National High School.
Ito ang i-prenesenta ni Engineer Friney Sim sa mga
guro ,magulang at kay SB Member Natalie Cawaling-Paderes sa ginanap na pulong
ng School Governing Council ng nabanggit na paaralan.
Sa kabuuang P 850,000 na pondo mula sa SEF o
Special Education Fund na inaprobahan ng Local School Board , P 500,000 o
kalahating milyon ay mapupunta sa elevation ng mga binabahang bahagi ng
paaralan.
Ang P 200,000 ay para sa drainage at P 150,000
naman ay para sa rewiring ng mga sirang linya ng kuryente.
Ikinagalak ni BNHS Principal II Jose Niro Nillasca
ang nasabing update lalo pa at pondo pa ito noong nakaraang taon na matagal na
ring nilang hinahanap para maipatupad.
Samantala ,pinasiguro naman ni Chairman on
Committee on Education at SB Member Natalie Cawaling-Paderes na pinoproseso na ang lahat ng nakabinbin na
proyekto para maibsan ang mga suliranin ng Boracay National High School.
No comments:
Post a Comment