Posted September 2, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Umarangkada na kahapon ang nationwide immunization
ng Measles Rubella at Oral Polio Vaccine para sa mga kabataang may edad lima
pababa.
Katunayan isa ang bayan ng Malay at Probinsya ng
Aklan sa mahigpit na nagpatupad ng pagpapabakuna sa mga kabataan upang maiwasan
ang sakit na tigdas at Polio.
Nabatid na target naman ng mga health workers sa
probinsya na makapagbakuna ng 66,107 na mga kabataan.
Napag-alaman na ang Department of Health (DoH) ay
may supplemental measles immunization bukod sa routine immunizations.
Sa kabilang banda ang Provincial Health Office ng
Aklan ay patuloy na hinihikayat ang mga magulang na dalhin ang kanilang mga
anak malapit sa kanilang lugar na mayroong naka schedule na pagbabakuna para sa
measles at polio.
Samantala, ang proyektong ito ay nagsimula kahapon
hanggang sa pagtatapos ng buwan ng Setyembre.
No comments:
Post a Comment