YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, September 02, 2014

Bangka sa Station 1 Balabag, lumubog; krudong tumagas, pinangangambahang kumalat sa dalampasigan

Posted September 2, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Pinangangambahang kumalat sa dalampasigan ang krudong tumagas mula sa lumubog na bangka sa station 1 Balabag nitong umaga.

Ayon sa ilang mga boat man doon, nakita nilang maayos pa ang bangka kaninang alas 5 ng umaga kahit iniwan umano ito ng boat captain kagabi.

Subali’t nagtaka umano ang mga ito, maging ang boat captain kung bakit lumubog ang bangka.

Duda naman ang mga boat man na may kung anong tumama sa bangka dahilan upang masira ang bahagi nito at pasukin ng tubig hanggang lumubog, dahil sa natagpuang piraso nito sa dalampasigan.

Samantala, inatasan na rin ng Philippine Coastguard ang kapitan ng bangka na alisin ito doon upang ayusin at muling inspeksyunin ng MARINA.

Nabatid na isang 25 pax capacity ang lumubog na bangka ng Channy Dive Center na pagmamay-ari ng isang dayuhang negosyante sa isla.

No comments:

Post a Comment