Posted September 1, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Patuloy ang kampanya ng NTC o National
Telecommunications Commissions laban sa iba’t-ibang uri ng panloloko sa
cellphone.
Subali’t may nabiktima parin ng manloloko
kamakailan dito mismo sa isla ng Boracay sa kabila ng nasabing kampanya.
Ayon sa report ng Boracay PNP, isang babae ang tinawagan
sa kanyang cell phone ng isang nagpakilalang money transfer agent at sinisingil
ito ng service charge.
Kaagad naman umanong nagpadala ng P 2, 500 ang
babae sa nagpakilalang ahente kahit wala itong alam tungkol sa service charge
na sinisingil sa kanya.
Subali’t huli na ang lahat nang maipadala niya ang
pera sa lalaki.
Natuklasan umano kasi niya sa isang money transfer
outlet na wala naman pala siyang babayarang service charge dahil wala din itong
money transfer account.
Samantala, hindi na rin umano makontak ang cell
phone number ng nasabing ahente.
No comments:
Post a Comment