Posted September 4, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Pansamantalang ikinustodiya sa Boracay PNP Station
ang isang Korean national matapos na umano’y mag-iskandalo sa isang resort sa
Boracay.
Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, pumasok di
umano ang lasing na turista na nakilala kay Damon Joshua Zeke sa nasabing
resort at nagsisigaw.
Sumbong ng sekyu, nagtaka din umano ang ilang staff
doon sapagkat hindi naman guest ang nasabing koreano at dahil sa nag-iiskandalo
na ito ay minarapat nilang palabasin.
Subalit, nagalit di umano ang turista at patuloy na
nagwawala, kung saan natumba ito sa sahig na nagresulta naman ng ilang injury
sa kanyang ilong at pagkasugat ng kanyang bibig.
No comments:
Post a Comment