Posted September 3, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kaagad na inamin ng 26 anyos na lalaking housekeeper
ng isang hotel sa Balabag Boracay ang pagnanakaw matapos magreklamo ang isa sa
mga guest nito.
Nabatid sa blotter report ng Boracay PNP na
nagreklamo ang tsinong si Shin Wen Lin na nawalan ito ng Php 3, 000 at 130 US
Dollars.
Kaagad namang inaksyunan ng management ng nasabing
hotel ang reklamo, kung saan nang suriin ang CCTV Camera ng hotel ay doon
nakita ang housekeeper na pumasok sa kwarto ng tsino nang hindi naman umano ipinapatawag.
Samantala, nang komprontahin ng management ng
nasabing hotel ang suspek ay kaagad naman nitong inamin ang pagnanakaw, subalit
isang libong piso lamang umano ang kanyang kinuha.
Sa kabila nito, nagbayad parin ng Php 8, 629 ang
management ng hotel sa nasabing turista.
No comments:
Post a Comment