Posted September 2, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nagreklamo sa Boracay Tourist Assistance Center
(BTAC) ang hindi na nagpabanggit na lalaki matapos na umano’y napagkamalang
sumira ng padlock ng isang bar sa Boracay.
Sumbong ng 22 anyos na nagrereklamo, alas dos ng
madaling araw kanina nang tumungo ito sa CR ng isang bar sa Boracay upang umihi
subalit naka-padlock umano ito.
Sa pag-aakalang may tao sa loob ay kinatok umano ng
nagrereklamo ang pinto subalit wala namang sumasagot.
Ilang sandali pa ay nakita umano sya ng manager ng
nasabing bar at ipanahuhuli sa security guard dahil sa umano’y sinira nito ang
padlock ng nasabing CR.
Dahil sa naranasang kahihiyan, tumungo ang nasabing
lalaki sa himpilan ng BTAC at inereklamo ang manager ng nasabing bar ng “unjust
vexation.”
No comments:
Post a Comment