Posted September 3, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito ay para lalong mabigyan ng aksyon ang mga
nagpapagawa ng construction building sa mainland Malay at isla ng Boracay.
Nabatid kasi na mahigit sa 81 na mga kabahayan at
establisyemento ang walang kaukulang permit mula sa LGU Malay.
Sa SB Session kahapon sinabi ni Municipal Engineer
OIC Arnold Solano sa konseho na hindi umano agad-agad nila na-momonitor ang mga
nagpapagawa ng building dahil sa sobrang dami umano ito at iilan lamang sila.
Sa kabila nito, patuloy paring sinusuyod ng
nasabing Departamento ang mga lugar sa Malay kung meron pang nagpapagawa ng mga
building o malalaking bahay na walang permit mula sa kanilang opisina.
No comments:
Post a Comment