Posted September 6, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Magiging madali na ang paghingi ng tulong ng mga
mahihirap na Aklanon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ito’y dahil maglalagay na ng opisina ang nasabing
tanggapan sa probinsya ngayong buwan ng Setyembre.
Base sa Resolution No. 165 Series of 2014, ang
opisina ng PCSO ay ilalagay sa unang palapag ng Provincial Capitol Annex
Building Compound sa Kalibo, Aklan.
Kasabay naman ng pagbubukas nito ang pagkakaroon ng
isang medical mission, kung saan prayoridad ang mga “Senior Citizens”, at Persons
With Disabilities (PWDs).
Samantala, naniniwala naman ang mga opisyal ng
probinsya na malaki ang maitutulong ng paglalagay ng opisina ng PCSO upang
makatipid narin sa pamasahe at sa guguguling oras ang mga Aklanon na magpo-proseso
ng kanilang mga papeles.
Nabatid naman sa tanggapan ng gobernador na ang
inagauration ng nasabing opisina ay sa Setyembre 19.
No comments:
Post a Comment