Posted September 1, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ayon sa ulat ng Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan
Foundation, Inc. (KASAFI), ito ay gaganapin sa Kalibo Pastrana Park na
magsisimula pagkatapos ng misa sa St. John the Baptist Cathedral alas-tres ng
hapon.
Bahagi umano ng aktibidad na ito ang merry-making
sa gabi, sayawan sa kalsada o street dancing sa saliw ng mga tambol.
Samantala, sa Kalibo Magsaysay Park, magiging bahagi
din ng opening salvo ang pagtatampok ng mga Iloilo's local reggae band na
Bahaghari at neon foam party na pasasayahin
ng ilang Disc Jockey mula Iloilo, Manila at Kalibo.
Ang Ati-Atihan Opening Salvo ay ang hudyat ng isang
linggong makulay na pagdiriwang ng ina ng lahat ng Philippine Festival mula
Enero 9-18, 2015.
Samantala, ipinagdiriwang naman ang Ati-Atihan
Festival sa Aklan, bilang pagkilala sa pagkadakila ni Señor Sto. Niño de Kalibo
o Batang Jesus.
No comments:
Post a Comment