Posted September 5, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Nakatakdang magdaos ng marketing event ang
Philippine Travel Exchange (PHITEX) sa isla ng Boracay bukas, araw ng Sabado.
Bahagi ito ng kanilang taunang tour activities na
binuo ng Tourism Promotions Board ng DOT, kung saan ipinapakilala nila sa mga partisipante
ang mga pangunahing atraksyon at destinasyon sa buong Pilipinas sa pamamagitan
ng consumer promotions at travel trade business meetings.
Sa pamamagitan ng press release ng Aklan Provincial
Tourism Office, sinabi ni DOT 6 Regional Director Helen Catalbas na ang isla ng
Boracay ang isa sa sikat at pinili ng mahigit 30 buyers na pagdausan ng
nasabing aktibidad.
Nabatid na mag-iikot din sa isla ng Boracay ang mga
participating buyers para sa iba’t-ibang aktibidad katulad ng island hopping at
water sports acitivities.
No comments:
Post a Comment