Posted August 30, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Nais nyo bang maitaas ang standard ng inyong
serbisyo sa mga turista o maging isang quality tourism front liner sa isla?
Kung ganon, markahan ang September 2, araw ng
Martes, sa inyong mga kalendaryo para sa Accreditation Information Drive na
ilulunsad ng DOT o Department of Tourism 6.
Tampok sa isang araw na aktibidad ang pagbibigay ng
sapat na kaalaman tungkol sa online accreditation, ang mga benipisyo nito at
insentibo.
Ayon sa DOT Boracay Sub-Office, iniskedyul ang
pagbibigay ng oryentasyon sa mga partisipante mula sa resort, hotel, at mga
travel agencies sa umaga, at sa hapon naman ang sa mga restorant, souvenir
shops, at tour guides.
Si DOT Region 6 Supervising Tourism Operations
Officer Rene Cortum ang magiging speaker nito.
No comments:
Post a Comment