YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, September 02, 2014

Maintenance staff ng isang resort, hinampas ng 4 na beses sa noo; sugatan

Posted September 2, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Sugatan sa noo at iba pang bahagi ng katawan ang maintenance staff ng isang resort sa Boracay matapos na hampasin ng apat na beses sa noo.

Nabatid sa blotter report ng Boracay PNP Station na humingi ng tulong ang manager ng nasabing resort, kung saan sinasabing isa sa mga staff nito ang hinampas ng tubo.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, papasok na sa kanyang trabaho kanina ng madaling araw ang biktimang nakilalang si Ritchie Lubay, 29 anyos nang nilapitan ng isang hindi kilalang lalaki sa gate ng nasabing resort.

Sa hindi malamang dahilan at bagamat hindi nakapaghanda, nahampas ng apat na beses ang biktima na nagdulot ng injury sa noo nito at iba pang bahagi ng kanyang katawan.

Matapos ang insidente ay kaagad umanong tumakas ang suspek.

Samantala, nagpapatuloy naman ngayon ang imbestigasyon ng mga taga Boracay PNP Station hinggil sa nasabing kaso.

No comments:

Post a Comment