Posted September 4, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Pinarerepaso na ni Aklan Governor Florencio
“Joeben” Miraflores ang pagpapaputol ng mga puno sa provincial hospital.
Sa ginanap na 30th SP Regular Session ng
Sangguniang Panlalawigan kahapon, tinalakay ang nasabing “urgent request” ng
gobernador, kung saan pinamamadali na nito ang pagpapaputol ng mga puno ng
mangga sa nasabing ospital.
Subalit nag-desisyon ang konseho na isangguni muna
ito sa komitiba ng environment.
Nabatid na ang pagpapaputol ng mga puno sa
provincial hospital ay bahagi ng pagre-redevelop nito.
No comments:
Post a Comment