Posted September 1, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bukod sa mga Pinoy, nangunguna parin sa International
tourist sa Boracay ang mga Koreano nitong nakaraang buwan ng Hulyo at Agosto.
Ito’y base sa naitalang record ng Municipal Tourism
Office (Mtour) Malay.
Nabatid na nitong nakaraang buwan ng Hulyo ay nakapagtala
sila ng 24, 990 Korean tourist at mahigit sa 26 na libo naman sa nakaraang
buwan ng Agosto.
Pumapangalawa naman dito ang mga Chinese habang pangatlo
ang Taiwanese kung saan karamihan pa sa mga turistang pumupunta sa Boracay ay
mula sa Malaysia, UAE at USA.
Samantala, bahagyang bumaba ang bilang ng mga turistang nagbakasayon
sa resort island ngayong buwan ng Agosto dahil na rin sa patuloy na sama ng
panahon.
Napag-alamang target ng Department of Tourism (DOT) na
makapagtala ng 1.5 million tourist para ngayong taong 2014.
No comments:
Post a Comment