Posted September 1, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Kaugnay ito sa ginawang pag-inspeksyon at clean up drive
ng konseho at ilang volunteers sa loobang bahagi ng Barangay Balabag nitong
nakaraang Sabado.
Dismayado kasi ang mga ito sa ilang boarding house
doon na tila walang malasakit sa kalinisan ng paligid at nagtuturuan pa tungkol
sa basura.
Ayon sa mga taga konseho, dapat na maging malinis
ang lahat sa paligid upang makaiwas sa sakit lalo pa ngayong tag-ulan.
Kaugnay nito, hinimok din ng konseho ang mga selda
leaders at may-ari ng boarding house doon na ipatupad ng mabuti ang tamang
pagtapon ng basura at proper waste segregation.
Samantala, nagbabala naman ang konseho na mananagot
ang mga pasaway at walang pakundangang nagkakalat ng basura.
No comments:
Post a Comment