Posted September 2, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Isa sa mga prayoridad na programa ng Department of
Tourism (DOT) ang lumikha ng world-class tourism standard.
Kasama na rito ang itaas ang antas ng serbisyo sa
mga turista o maging isang quality tourism front liner sa isla sa pamamagitan
ng accreditation.
Kaugnay nito, ibinahagi kaninang umaga ng DOT ang
kahalagahan ng accreditation sa mga establisyemento sa Boracay.
Sa isinagawang Accreditation Information Drive
kanina, sinabi ni DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant Kristoffer Leo
Velete na ang accreditation mula sa DOT ang magpapatunay na nakapasa sa panuntunan
o standard ng Department of Tourism ang pasilidad o serbisyo ng isang tourism
enterprise.
Samantala, tinuruan din ng DOT ang mga resorts,
hotels, travel agencies, souvenir shops at tour guides sa Boracay tungkol sa
online accreditation, ang mga benipisyo nito at insentibo.
No comments:
Post a Comment