Posted September 4, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ganito ang obserbasyon ni Malay SB Member Rowen
Aguirre sa ginagawang construction ng Boracay Hospital.
Aniya, maging si Dr. Victor Sta. Maria ng Aklan Provincial
Health Office ay napansin din ang kabagalan nito.
Nabatid na phase 1 palang ang ginagawa sa hospital
sa ngayon na may budget na P40 milyon at mayroon pang phase 2 at phase 3 na
kailangang gawin.
Dahil dito nagpasa ng resolusyon si Aguirre na
nagre-request kay DOH Secretary Enrique Ona na kung maaari ay pabilisan ang
ginagawang construction dito para naman maihabol sa gaganaping APEC Summit sa
2015 sa Boracay.
Ayon pa kay Aguirre ang mabagal umanong construction
ay nakakaapekto sa mga mahihirap na mamamayan na hindi kayang magbayad ng mahal
sa mga pribidadong klinika sa isla.
No comments:
Post a Comment