YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, September 04, 2014

Pumping station ng TIEZA, nasa ‘standby mode’ parin

Posted September 4, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Nasa ‘standby mode’ pa rin ang pumping station ng TIEZA o Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority.

Katunayan, kinumpirma mismo ng DOT o Department of Tourism Boracay Sub-Office na wala pa silang natatanggap na anumang komunikasyon mula sa TIEZA kaugnay sa pinakahuling estado ng kanilang flood control project.

Magkaganon paman, sinabi pa ng DOT Boracay na binigyan na rin ng ‘time line’ ng LGU Malay ang nasabing proyekto upang madaling matapos.

Magugunitang sinabi ni Mayor John Yap na pinag-aaralan pa ang susunod na hakbang para sa drainage ng TIEZA dahil kailangan muna itong linisin bago itesting ang pumping station.

No comments:

Post a Comment