Posted August 25, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, ala una kanina
ng madaling araw nang mapansin di umano ng security guard ng isang resort na si
Neil Mordese ang isang turista na nakikipagtalo sa isang bakasyunistang pinoy.
Ilang sandali pa ay bigla umanong sinakal ng
Canadian national na si Tomase Mezinsky, 40 anyos ang pinoy na si John Paul
Ulanday, 26 anyos ng Alabang Muntinlupa City at nagbabakasyon sa Boracay.
Dahil dito, inawat ng nasabing sekyu ang dalawa,
subali’t maging siya umano ay pinagbabantaan ng nasabing turista at hinahamon
ng suntukan habang nagsisisigaw sa nasabing lugar na nagdulot naman ng eskandalo
doon.
Samantala, ipinagkatiwala naman ngayon ng Boracay
PNP ang nasabing kaso sa Barangay Justice System.
No comments:
Post a Comment