Posted August 28, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Isa na naman kasing myembro ng Aklan Police
Provincial Office (APPO) ang hinirang bilang isa sa mga Country’s Outstanding
Policemen in Service (COPS) ng pamahalaan.
Ito’y sa katauhan ni Police Officer 3 Michael
Dalisay Pontoy, 37, ng Antipolo, Ibajay, Aklan, na nanguna sa outstanding
policemen for non-commissioned officers’ category.
Kaugnay nito kinilala ng Sangguniang Panlalawigan at
binigyang parangal sa ginanap na 29th SP Regular Session ang
pagsusumikap at debosyon ni Pontoy sa kanyang tungkulin bilang pulis.
Maliban sa kanyang siyam na government
eligibilities at iba pang award, nanguna si Pontoy sa 154 na nominado sa COPS
dahil na rin sa kanyang magandang record sa serbisyo.
Samantala, ang mga kandidato para sa COPS ay sinala
batay sa kanilang galing sa pagsugpo ng krimen, mga parangal at rekomendasyon
mula sa PNP.
Ang COPS ay proyekto ng Metrobank Foundation, Inc.,
Rotary Club of New Manila East at sa pakikibahagi ng Philippine National Police
(PNP) and PSBank.
No comments:
Post a Comment