YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, August 28, 2014

2 lalaki sa Boracay, nagsuntukan sa gitna ng kalsada

Posted August 28, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nahulog mula sa kanyang sinasakyang motorsiklo ang isang lalaki matapos suntukin sa Barangay Balabag kagabi.

Kaya naman nag-reklamo sa Boracay PNP ang biktimang si Raymond Panagsagan, 28 anyos ng Poblacion Tangalan Aklan at nagsumbong na umano’y alas dyes kagabi nang biglang hinarang at sinuntok umano ni Leo Suplito ng Tulubhan Manoc-manoc Boracay.

Tinamaan di umano ito sa kanyang braso kaya’t sinuntok nya din si Suplito hanggang sa magsuntukan silang dalawa sa gitna ng kalsada.

Dulot ng insidente, nagkalat din ang mga pinamiling pagkain ng biktima nang mahulog ito sa kanyang sinasakyang motorsiklo.

Kaagad naman itong inimbestigahan ng mga kapulisan.

No comments:

Post a Comment