Posted August 27, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakalutang parin sa ngayon ang pag-aaral ng Daewoo
Engineering and Construction Company sa proposed Boracay-Malay bridge.
Ito ang sinabi ni Vice mayor Wilbec Gelito sa ginanap na
ika-25th SB Session ng Malay kahapon ng umaga.
Aniya, hanggang ngayon ay wala pa silang natatanggap na
resulta matapos nilang bigyan ng pahintulot ang nasabing kumpanya na pag-aralan
ang proposed project.
Nabatid na halos ilang buwan na rin ang nakalipas ng
sumabog ang balita tungkol sa umano’y pagtatayo ng tulay sa isla ng Boracay.
Napag-alamang lumapit para dito kay Mayor John Yap ang
Daewoo, kung saan nag-request naman ang alkalde ng authority sa Committee on
Laws at Committee on Public Utilities na pumasok sa isang MOA o Memorandum of
Agreement sa Daewoo Engineering and Construction Co. Ltd. para magsagawa ng
pag-aaral tungkol sa proposed project.
No comments:
Post a Comment