Posted August 26, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Suntok ang inabot ng isang babaeng masahista mula sa
kanyang among babae na may-ari ng isang Spa sa Boracay kahapon ng tanghali.
Ito ang reklamo ng biktimang si Levi Luna 34-anyos ng
Davao City sa Boracay Police Station.
Ayon kay Luna may namagitan umanong mainit na argumento
sa kanilang dalawa ng kanyang amo na kinilalang si Maricel Conception ng Sitio.
Bolabog Boracay.
Sinabi ng biktima na nilapitan umano sya ng kanyang amo
habang ito’y nasa kanyang trabaho at sabay siyang sinuntok na tumama sa kanyang
kaliwang braso.
Nagdesisyon naman ang Boracay PNP na idulog na lamang ang
nasabing insidente sa Brgy. Justice System.
No comments:
Post a Comment