Posted August 29, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nabatid sa blotter report ng Boracay PNP na alas
onse kagabi habang natutulog sa kanyang kwarto sa isang hotel ang Australianong
si Stephen Colin Knight, 50 anyos nang pasukin ng kawatan.
Ayon sa biktima, nagising ito sa nasabing oras at
nakita ang isang hindi kilalang lalaki na nakasuot ng itim na t-shirt na
kinukuha ang kanyang mga gamit.
Hinabol pa umano nya ito, subalit hindi na naabutan
dahil sa mabilis na nakatalon ang suspek sa terasa ng nasabing kwarto.
Natangay mula sa biktima ang kanyang laptop,
cellphone at isang backpack.
Samantala, lumalabas naman sa pagsisiyasat ng mga
pulis na dumaan ang nasabing kawatan sa entrance/exit ng terasa saka pumasok sa
nakabukas na pinto ng nasabing kwarto.
Napag-alaman din na walang CCTV camera ang nasabing
hotel na makakatulong sana sa pagkakakilanlan ng suspek.
Nagpapatuloy naman ngayon ang imbestigasyon ng mga
pulis.
No comments:
Post a Comment