Posted August 29, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Ayon kay SB Member Rowen Aguirre, pinag-usapan nila
ang paghahanda at proyekto ng mga taga Provincial Engineer’s Office at
Department of Public Works and Highways para sa susunod na taon bilang bahagi
naman ng paghahanda sa traffic re-routing.
May mga proposal o panukala na umano kasi sila para
sa traffic re-routing sa isla kung kaya’t kailangan din nilang mapag-aralang
mabuti ang mga plano naman ng mga nasabing ahensya na maaaring makatulong sa
paghahanda sa re-routing.
Samantala, sinabi pa ni Aguirre na hindi sila
magpapakampanti, kungdi magpapatuloy sa paghahanda para sa APEC Hosting sa
isla.
Dumalo din sa pagpupulong kahapon ang mga taga
Boracay Island Water Company, Boracay PNP, Jetty Port Officials at iba pa.
No comments:
Post a Comment